Itahan mo Ligaya ang lumbay

 Tahimik ang puso ko ng bigla kang dumating, naghihintay ako’t nananalangin, 

Ngunit pakay mo ay hindi tulad ng akin, 

kaya minabuti nalang na ika’y damhin,

Bilang kaibigan, kung ako’y ituring,

Handang makinig sa’yong puso’t damdamin,

May sakit ka palang nakaraan, 

Na pilit mong winawakasan, 

Tamang pagkakataon ako ay narito,

Handang makinig, sa mga sasabihin mo, 

Tumigil at napagod, 

Nagtanong at umiyak kung bakit nagkaganoon, 

Sakit sa puso’y pilit hinihilom,

Ngunit lungkot at pighati ang nililingon

Hindi mo mapigilan, Na siya’y tanungin,

Sa kanyang mga magulang, iniibig mo pa rin,

Ang sakit ng nakaraan, baka kayang tumbasan, Ng iyong pagmamahal, 

Titiisin ang sakit, Mapa sakanya ka lamang,


Ang sakit malaman na puso’y,

kumakapit sa maling paraan,

Hindi na tamang ituloy,

Kung hindi na tama ang dahilan,


Piliin ang sarili, aking sinasabi,

Patawarin ang nakaraan, magsimala sa kasalukuyan, 

Kailangan ng bumitaw, bigat sa puso’y isigaw,

Sa huling pagkakataon, mahalin mo ay ikaw


Marami pang pagkakataon, Darating din ang panahon,

Tumingala sa ulap, damhin ang yakap,

Si Jesus ay nariyan, siya ay masisilayan, 


Ang biyayang ibinigay, ipagpasalamat ng tunay,

Mga mahal sa buhay, isama sa lakbay,

Pag ang puso ay buo, bulaklak ay tumutubo,

Hamahalimuyak ang saya, pag maginhawa ang pasya,

Tignan ang sarili na kakayanin ang bukas,

Magsisimulang muli pagkat ikaw ay malakas, 

Ihalintulad ang pagmamahal sa isang perlas, 

Ibigay sa taong handang umibig ng wagas,

Uulitin kong muli sa aking pagtatapos,

Tula’y itutulay sa hindi kinakapos,

Ang taong nakalaan nanabik sa’yong tunay, 

Itahan mo Ligaya ang lumbay, dahil sa’yo ay may naghihintay.

Comments

Popular posts from this blog

I write

it is dawn

I am still wondering what life is all about for me