Yaman
Nanlilimos ka ng awa sa taong may kayamanan, dahil siya na lamang ang nakikita mong dahilan para manatiling buhay, upang magpatuloy sa buhay, sakanya mo kinukuha ang pinapakain mo sa pamilya mo.
Ganon ba talaga ang buhay, paramihan ng pera, paramihan ng lote, paramihan ng kotse, paramihan ng bahay, lahat ng yan makukuha mo lamang kung marami kang pera.
Wala kayong sariling tahanan, namatayan ka ng magulang, mas sakit ang iyong nanay, walang trabahong mahanap ang iyong kapatid, at ikaw na lamang ang nag-iisang pag-asa nila para makaahon sa buhay.
Totoo ba? Kahit hirap ka na lumalaban ka parin, kahit pagod ka na kumakayod ka pa rin, nakakakain ka naman pero kulang pa rin.
Sobrang dami mo ng utang na loob, mababayaran pa kaya?
Sobrang dami mo ng sama ng loob, mapapayapa pa kaya?
Madami ka na ba tiniis, kulang pa kaya?
humakabang ka pa palusong o humahakbang ka patalikod, dahil wala kang kasiguraduhan sa hinaharap.
Ganito talaga siguro ang buhay, kailangan mong lumaban kahit pagod kana, kailangan mo maniwala, kahit ayaw mo na kailangan mong magtyaga.
May nakikinig ba talaga sa panalangin mo, nakikipag-usap ka ba talaga kaya mo natatanong kung may nakikinig?
Mabuting bagay at humihinga kapa, at dahil dyan binabati kita.
at sabi mo nandito kana kaya hindi ka na babalik, malayo na ang narating mo pero bakit kulang pa rin?
Gustong mo sumugal dahil hindi mo na kaya, sabi mo kaya mo kahit bumalik ka pa sa basura,
galing ka sa basura, mahirap ang pamilya, naranasan mo ang magtinda ng tinapay sa madaling araw at magbenta ng donut sa tanghali, sa magulang mong nanganganib dahil trabaho'y tiga singil ng utang at dala ay perang ireremit sa kumpanya kapalit ang maliit na sahod sa maghapon, at lingohan ang uwi sa pamilya kaya naman ang ate mo ang nag-aalaga sa inyo dahil ang itay ay naglalako ng mabebentang bakal sa mga tindahan.
Ganon pala kahirap ang buhay noon, madami ng nagbago kahit ikaw at may trabaho, pero bakit mahirap pa din.
Noong bata ka pa, baon mo dalawang piso, kulang ipambili ng pagkain pagkatapos ng klase, gutom ka dahil umalis ka ng konti ang kinain dahil ang ulam mo ay asin.
Wala sa malay mong mahirap kayo dahil bata ka pa, hindi mo inda ang hirap ng magulang mo dahil wala ka pang muwang, hindi mo na din kinaiinggitan nag ibang bata, kahit nakikitang mong nakakain sila ng masarap, hinangad lamang na darating ang araw at matitikman ko din ang mga yan hindi lang sa ngayon,
Naalala ko pa noon bata ka, ni hindi ka makabili ng waffle dahil hindi mo kaya, ang kaso paglaki mo tinikman mo ang waffle at hindi na naman pla siya masarap.
Naalala ko pa noon bata ka, may naipon kang pera ibinili mo ito ng laruan na zoid, at pagbukas mo nadismaya ka dahil hindi naman pala ito maganda.
Naalala ko pa may nakita kang videogame sa palengke, at sa tuwing dadaan ka, ang sabi mo bibilhin mo ito, at noong nakaipon ka, dala ang inipong barya, pagkabukas na pagkabukas ng laroon hanggad mo, hindi mo ito nagustuhan.
Ang ngayon matanda kana gusto mong yumaman, magugustuhan mo ba talaga ang buhay mayaman?
Napalupit ng mundo, kung wala kang kayamanan aaphin ka nila, kung wala kang pera wala kang koneksyon, at ituturing ka ng mundo na ito na basura.
kung mahal mo ang sarili mo at pamilya mo, kailangan mong magsikap para yumaman, dahil dito sa paraang ito mo lang sila mapoprotekhan.
May Diyos na gumagabay sa iyo, oo tama ka, sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ngunit sinabi din ng Diyos na malupit ang mundong ito.
Comments
Post a Comment