Mga bagay na maaaring mangyari this 2020 dahil sa kawalan ng Vaccine ng COVID-19

Mga ka repapipz, eto lamang ang magiging opinion ko sa pangyayari ngayong taong 2020 dahil sa COVID-19.


Unang-una hindi ito patungkol sa COVID-19, kundi patungkol ito sa anong pwde mangyari sa economiya, sa pang araw-araw na buhay ng tao, hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi posible din  sa ibang bansa.

1. Kanselado ang School Year ngayon taon.
          Sa kasalukuyan pinag-aaralan pa ng mga eksperto kung matutuloy ba and pasukan ngayon taon, napapabalita sa Senado ang usapin na ito ay ikansela para sa kapakanan ng mga studyante at ng bawat taong bumubuo, nagtatrabaho dito.

Eto ang tanong at mga bagay na magiging epekto nito, Una sasahuran ba ng Government ang mga guro at mangagawa sa paaralan. Ok given na sa Government or public schools na babayaran ang mga teacher at manggagawa na nasasakupan at nagtatarabaho sa ilalim ng gobyeno, pero paano naman ang mga na sa pribadong sector?

mga repapipz, syempre as private sector hindi yan nila kayang isustain na sahuran din ang kanilang mga empleyado, unless magbabayad pa din ng tuition fee ang mga kasalukuyang nag-aaral dito.

Ngunit malabo yatang mangyari kasi hindi mo din mapipilit na magbayad ang mga guardian o parent ng mga mag-aaral. 

ANG POSSIBLENG SULOTION.

ONLINE COURSE or ONLINE Study, sa makatuwid tuloy ang school year ngunit gagawan ng paraan sa pamamagitan ng pagpoprovide ng mga online literature.

ISANG TANONG NANAMAN.

kaya ba ng private sector na magbayad ng mga IT para gawan ng mga literature, or pwde naman nilang simulan gawin sa pamamagitan mismo ng kanilang mga empleyado, at yung ay ang mga teacher nila.

2. SARADO ANG RESTAURANT, BAR, RECREATIONAL ACTIVITIES.

A. RESTAURANT
     Ang mga restaurant ang isa sa mga pinaka tinamaan dito sa indikasyon na wala pa din bakuna para sa COVID-19, sa kasalukuyan maaaring mag bukas o magbenta and mga restaurant, carenderia o ano mang kainan, ngunit pinapayagan lamang ang take-out o pick-up sa kanilang binebenta, dahil iniiwasan ang dine-in sa kasalukuyan upang mapanatili ang SOCIAL DISTANCING.

B. MGA BAR
    Malaking bagay eto para mga party goers, wala na silang matambayan.
C. RECREATIONAL ACTIVITIES
Swimming pool, zoo, picnic ground at iba- ang isa sa mga pinaka tinamaang sector sa pangyayari.
D. Mga salons
    patay ang ating kababayang umaasa ang kanilang business sa mga nagpapagupit, nagpapaganda.

3. PATAY ANG TOURISM
     Sa kasalukyan ni hindi pa nga napag-uusapan kung kailan o kung paano ang ating magiging solusyon sa ating torismo, sarado ang mga paliparan, mga daongan ng barko. ano ang magiging indikasyon nito sa ating bansa na pagkamatay ng tourismo?
     Napakalaki ang ginagampanang value na ibinibigay ng kita na galing sa tourism.
     

   SINO BA ANG APEKTADO?
  apektado ang mga pangkaraniwang mamayan lalo na sa isla, isa na dito ang mga pangkarinwang mangingisda sa probisnya na ginawang trabaho ang maging tourist guide.


4. PATAY ANG BUSINESS NG PALIPARAN AT MGA DAONGAN O BARKO.
    Dahil nga sarado ang paliparan at mga daongan, damay na pati ang mga empleyado nito, sa kasulukyan pati ang mga freight forward o mga delivery truck like AIR21, LBC o mga sector ng logistic ay nagsisimula na ang kanilang kalbaryo dahil sa kawalan ng mga kleyenta.

5. Patay ang industriya ng TRANSPORTATION.
a. Sa kasalukuyan isa sa pinaka naapektuhang industriya at mangagawa ay ang mga drivers, coductor at mga nagpapatakbo ng business sa pamamagitan ng mga commuters, dahil sa malawakang implementasyon ng gobyerno sa social distancing ang ating mga kababayang nasa sector ng transportasyon ay naapektuhan, nawalan ng kabuhayan at pagkakakitaan.

so mga repapipz , iilan lamang eto sa mga indikasyon na nangyayari sa kasalukuyan na nararanasan ng ating bansa.

salamat sa pagbisita, eto ay blog na purong opinion na galing lamang sa pangkaraniwang manunulat.




Please donate buy buying to this website.
https://s3-ap-southeast-1.amazonaws.com/idealfeeds/MerchantLogos/Lazada_128630.png



Comments

Popular posts from this blog

I write

it is dawn

I am still wondering what life is all about for me