Bakit ko tinigilan ang ML?

Hello, good people!

Eto nanaman po tayo sa atin blog, dito ay ibabahagi ko ang mga dahilan at mga experience ko kung bakit ko tinigilan ang ML o Mobile Legends.


Ano ba ang Mobile Legends?

Karamahin sa mga kabataan ngayon ay malamang ay alam nila ang larong ML. Maaaring sila mismo ay meron nito o kaya ay nalalaman nila ito sa mga kaibigan nila, sa makatuwid ganon na lamang ang kalawak ang popularidad ng larong ito.

Isa itong laro na karaniwang nilalaro sa cellphone, ang larong ito ay isa MOBA games na nalalaro lamang sa pamamagitan ng pagkonekta sa internet, sa makatuwid eto ay binubuo ng mga individual na konenktado sa internet at naglalaro sa server ng game, meron itong chat platform na maaari kang makipag communicate sa ibang kalaro saan mang sulok ng mundo, maaari ito ang isang nakakapaghatak ng mga manlalaro, dahil karanawin sa tao ay isang social.

Ang larong ito ay isang strategy game, mapa babae o lalaki ay nahuhumaling dito, dahil na din sa napakadali na sa panahon ngayon na makapaglaro dahil na din sa halos naman ng mga kabataan ay nagmamay-ari na ng cellphone, isa pa napakababa lamang ng requirement ng specs(ito ay ang lakas o performance na kayang gawin ng cellphone mo) na kailangan para makapaglaro nito.

Bakit kaya sila nahuhumaling?

Iba't-ibang kadahilan kung bakit napakaraming kabataan ang nahuhumaling dito maging ang pangkaraniwang manggagawa ay adik din sa paglalaro napabalita nga noon sa TV ang talamak na paglalaro ng mga manggagawa ng Gobyerno at napilitan silang gumawa ng memorandum sa paglalaro nito habang nasa trabaho.

Ang maaari pang dahilan ay sa dami na rin ng mga influencer na manlalaro sa social media, katulad ng youtube at facebook, mas lalo itong naging popular upang laruin ng kahit na sino, maging bata man o matanda.



Eto ang mga dahilan ko kung bakit ako huminto sa paglalaro at maaari mo din itong gawin dahil kung ikaw ay naghahanap ng rason para tumigil na dito?

1. Isa kang taong mahilig o pangarap na mag-improve sa iyong napiling profession.
    - Tumigil ka na kakalaro ng Mobile legends kung ikaw ay nangangarap na mag-improve sa kahit ano pang gusto mong marating sa buhay, ang tangin nakikita ko lamang na dahil kung bakit hindi ka titigil sa maglalaro nito ay kung nangangarap kang maging Online Streamer ng laro ito, bagkus siguro at mas lalo ka dapat maglaro at magstart na mag-aral ng fundamentals ng Mobile legends.
2. Nag-aaral ka ngayon.
    Kung kasalukuyang kang nag-aaral o malapit ka na magtapos sa iyong pag-aaral sa high school man o sa kolehiyo, marapat na sigurong tigilan mo na iyang kakalaro ng Mobile Legends, dahil kung ikaw ay isang high school na graduating kailangan mo na maghanda para sa iyong kolehiyo, at kung ikaw naman ay kolehiyo na magtatapos na, kailangan mo na maghanda para makahanap ka na ng trabaho.

3. Gusto mo yumaman balang araw.
    Kung hindi ang paglalaro ng mobile legends ang nakikitang mong magpapayaman sa iyo balang araw sa makatuwid tumigil ka na kakalaro nito.



Ang blog na ito ay hindi para manira ng larong mobile legends, bagkus ang blog na ito ay para sa mga taong nagdodoubt na sa sarili na masyado na silang nahuhumaling sa kakalaro ng mobile legends.

Comments

Popular posts from this blog

I write

it is dawn

I am still wondering what life is all about for me