Puso ko ay Siya
Puso't Isip ko ay Siya.
(mahal mo o mahal ako)
Ang sabi ni ita'y ng siya pa ay nabubuhay, kapag naguguluhan ka sa pag pili sa dalawang taong sa puso mo'y gumugulo.
Piliin mo siya, siya na may pusong mas higit na mahal ka, kaysa sa mahal mo, iwaksi mo ang taong mas mahal mo kaysa mas mahal ka.
Ang pagmamahal ay natututunan, Piliin mo sya na mahal ka kesa mas mahal mo, nabuo ang salitang pagpapasaya, nabuo ang salitang dilema sa isip mo dahil kumakatok ang isip mo na piliin mo sya na mas mahal ka nya, kesa mas mahal mo, dahil sa pag-ibig hindi lang ang puso ang nagpapasya, pinagsama ang puso at isip para magkaisa at malaman ang tunay na nararapat gawin.
Lumalaban ang isip mo dahil mas matimbang siya na mas mahal mo, pero ikaw kung paano ang sitwasyon mo mas mahal mo ikaw ang nag-aaruga, ikaw ang dapat umintinde, ikaw ang laging dapat umalalay, ikaw ang dapat na matibang sa pagsuyo, ikaw ang napapailalim, sa kadahilanang mas mahal mo siya, kung maaaring eto ang tumatakbo sa isip mo, mahal ka ba talaga niya?
Hindi eto ang tanong kung sino ang pipiliin kung sa mahal mo at sa mahal ka, kundi nabuo ang tanong na ito dahil pareho mo silang mahal, at may malakas na hatak ng puso mo sa taong mas mahal mo, pero may puso't isip na nagsasabi piliin mo ang siya na tunay na nagmamahal sa iyo, naghihintay sa iyo, handang umamalay sa iyo, at matibay na naghihintay sa iyo na sabihin mo siya ang pipiliin mo.
Comments
Post a Comment