Posts

Showing posts from February, 2022

Itahan mo Ligaya ang lumbay

 Tahimik ang puso ko ng bigla kang dumating, naghihintay ako’t nananalangin,  Ngunit pakay mo ay hindi tulad ng akin,  kaya minabuti nalang na ika’y damhin, Bilang kaibigan, kung ako’y ituring, Handang makinig sa’yong puso’t damdamin, May sakit ka palang nakaraan,  Na pilit mong winawakasan,  Tamang pagkakataon ako ay narito, Handang makinig, sa mga sasabihin mo,  Tumigil at napagod,  Nagtanong at umiyak kung bakit nagkaganoon,  Sakit sa puso’y pilit hinihilom, Ngunit lungkot at pighati ang nililingon Hindi mo mapigilan, Na siya’y tanungin, Sa kanyang mga magulang, iniibig mo pa rin, Ang sakit ng nakaraan, baka kayang tumbasan, Ng iyong pagmamahal,  Titiisin ang sakit, Mapa sakanya ka lamang, Ang sakit malaman na puso’y, kumakapit sa maling paraan, Hindi na tamang ituloy, Kung hindi na tama ang dahilan, Piliin ang sarili, aking sinasabi, Patawarin ang nakaraan, magsimala sa kasalukuyan,  Kailangan ng bumitaw, bigat sa puso’y isigaw, Sa h...